Monday, January 30, 2012

SARANGOLA



Minsan ang buhay ay parang Sarangola, hinahayaan natin na may magpalipad sa atin. Masaya nga naman tignan na habang lumilipad ka ay merong isang tao na hawak hawak ang isang parte ng iyong pagkatao, may taling nag uugnay sa inyong dalawa. May taling nagdurugtong sa buhay mo at sa buhay nya. Masaya syang pinag mamasdan ka habang lumilipad ka sa ere tangay ng hangin kung sang direksyon ka nito kayang dalhin. Isang taong ginagabayan ka habang tangay ka ng hangin sa direksyon nito.. Masaya hindi ba? Masayang lumipad na alam mong merong umaalalay sa pag lipad mo.

Ngunit paano kung mapagod ka ng lumipad? Paano kung gusto mo ng bumaba? Paano kung gusto mo nag maramdamang hindi na tali lang ang nag uugnay sa inyong dalawa? Paaano kung ang kamay na nya ang gusto mong umalalay sayo? Ngunit pano kung masaya pa syang paliparin ka? Masaya pa bang lumipad kung ayaw mo na? Masaya pa bang lumipad sa hangin habang ang puso mo'y gusto ng dumapo sa palad nya? Paano ka bababa kung di mo alam kung kailan ka nya i bababa?

Magpapatangay ka nalang ba sa hangin hanggang sa ibaba ka nya? Minsan gusto nating bumaba na ngunit hindi pa sya handang ibaba ka. May pag kakataong pinababayaan mo na lang na tangayin ka ng hangin hanggat gusto nito. Ngunit Paano kung biglang nasanay ka na sa itaas? At bigla mo maramdamang okey ka na, nasanay ka ng mag isang lumipad? Pano kung natuto ka ng mag isa at hindi mo na kailangan ng iba?

Madalas hindi natin hawak ang pag kakataon, Ni hindi natin alam kung ano ang ibibigay ng panahon. Hindi natin hawak ang hangin kung kailan ito mag papalit ng direksyon. Pano kung biglang lumakas ang ihip nito habang lumilipad ka. At biglang naputol ang taling nag uugnay sa inyong dalawa? Pano kung sa pag kakataong iyon nilipad ka ng hangin sa ibang dako ng sitwasyon? At biglang may isang Taong nakakita at biglang inangkin ka, dumating ka sa puntong gusto mo na din na sya na ang mag may-ari sayo. Ngunit sa kabilang dako hinanap at nakita ka ng dating may hawak sayo.
Kanino ka sasama? Sa Taong napagod ka nag mag hintay? O sa Taong handa ng ibigay sayo ang kanyang buhay?

Minsan ang buhay ay parang sarangola, hindi mo hawak ang direksyon ng hangin, minsan kailangan pang maputol ang tali mo bago matauhan ang taong may hawak ng tali mo.

No comments:

Post a Comment